Tuesday, August 06, 2019

Pagtataas ng buwis sa pagbili ng mga pribadong sasakyan, ipinanukala


Pinahayag nngayon ni Albay Rep Joey Salceda na siya ring Chairman ng House Commitee on Ways and Means ng Kamara de Representantes, na napapanahon na umano para magkaroon ng umento at taasan na ang buwis sa pagbili ng mga private cars lalu na sa mga mamahaling sasakyan o luxury cars sa ating bansa.
Sa pamamagitan nito, tingin ni Salceda na mababawasan na daw ang bilang ng mga sasakyan lalu na ang mga private cars na bumibiyahe araw-araw dahil sa mataas na buwis.
Masusulusyunan na rin nito, ayon pa kay Salceda ang "carmageddon" lalo na sa EDSA at mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at karatig na mga lugar at ganun na rin sa mga lungsod ng Cebu, Davao at Cagayan de Oro.
Dagdag pa ng mambabatas, mas makakagalaw na umano ang mga commuters kapag lumuwag na ang mga kalsada dahil sa pagpasa ng naturang panukala.