Tuesday, August 20, 2019

Pagsasapubliko ng mga budget hearings sa Kamara, iminungkahi


Iminungkahi ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na gawing bukas sa publiko  ang  mga isasagawang budget deliberation ng kamara para sa panukalang  P4.1 trillion na pambansang pondo para sa taong 2020.

Ayon Kay Garbin, layon nitong magkaroon ng full  coverage ang media   sa mga pagdinig at  meetings ng kamara  para umano masiguro ang public transparency. 

Kaugnay nito ay sinabi ni Garbin na mayroon na lamang na  6 na linggo ang kongreso  para magsagawa ng pagdinig sa nasabing pondo.

Dagdag pa kongresista, isang hamon para sa mga mambabatas kung paano mas mapapabilis ang pagapruba ng nasabing pondo kaya aniya  hanggat maari ay magtatrabaho sila ng hanggang hating gabi para dito.

Una ng sinigurio ni House Majority leader Martin Romualdez na magdodouble time sila para mameet ng kamara ang tinikada nito self imposed  deadline ng pagapruba sa 2020 Proposed National Budget  sa unang lingo ng Oktubre.