Friday, August 16, 2019

Liquor ban sa mga pampublikong lugar, ipinanukala na sa Kamara


Isinusulong ngayon ni Quezon 4th District Rep. at House Committee on Health Chairperson Angelina Tan sa kamara ang panukalang ipagbawal na ang pagbebenta  at paginom ng ano mang uri ng alcoholic beverages sa mga kalye, plaza, sidewalks at Parking areas.

Batay sa House bill 3049 na inihain ni Tan, bukod sa pag ban ng alak sa mga public areas ay ipagbabawal rin ang pag-inom ng alak sa mga restaurants, supermarkets, fast food chains at mga bar sa mga highly urbanized areas tulad ng Metro Manila mula alas 12:00 ng hating gabi hanggang alas 8:00 ng umaga.

Ipinaliwanag ng mambabatas na layon nito na   tugonan ang panawagan ng publiko na ipagbawal ang alak sa mga public areas alinsunod narin sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labanan ang kriminiladad sa bansa.

Giit pa ng mambabatas ang pagkalulong sa alak na nauuwi sa  karahasan ay maituturing na ring public health issue na kailangan ng agarang atensyon ng gobyerno sa pamamgitan ng pagbuo ng isang National policy na ipagbawal  ang alak sa sa mga pampublikong lugar.