Isinusulong ngayon sa Kamara na malibre na ang parking fee ng mga nagtutungo sa mall, hotel, ospital, eskuwelahan at iba pang katulad na establisyimento.
Layunin ng House Bill 506 ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na matigil na ang labis o hindi na makatwirang mga parking fees sa mga nabanggit na lugar sa pamamagitan ng pag-regulate nito.
Sa ilalim ng panukala, kung ang kustomer ng shopping mall, restaurant, tindahan at katulad na establisyimento ay makapag-prisinta ng pruweba o resibo na may binili o transaksyong hindi bababa sa P500 ang halaga, dapat ay waive na o hindi sisingilin ng parking fee.
Para naman sa mga bisita at pasyente ng ospital, hindi dapat masingil ng parking fee kung makapagpapakita ang mga ito ng patunay na mayroon itong ginawang lehitimong transaksyon.