Pina-iimbestigahan ngayon sa Kamara de Representantes ang umano’y discrepancy sa mga textbook contracts na hindi naipamahagi ng Department of Education o DepEd.
Batay sa report ng Commission on Audit o COA, natuklasan na mayroong P254 Million na halaga ng kwestyunableng textbook contracts at P113.7 Million undistributed books ang DepEd.
Ayon kay ACT Teachers Patylist Rep. France Castro, nakakalungkot aniya ang ganitong pangyayari dahil may mga guro na nagsasakripisyo na gumastos mula sa kanilang sariling bulsa para lamang mapunuan ang pagkukulang sa kanilang pagtuturo.
Maging ang mga estudyante aniya ay nagpapa-photocopy pa dahil sa kulang ang mga libro sa mga silid-aralan.
Iginiit ni Castro na dapat busisiin ang mga nasa likod ng nasbing isyu upang mapanagot ang mga nasa likod nito kaya maghahain siya aniya ng resolusyon upang talakayin ang naturang COA report.