Sinabi ni Romualdez na nakahanda na sila para isalang sa deliberasyon ang mga priority measures na binanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang SONA.
Dahil organisado na ang mga kongresista, tiyak na magpu-full blast ang mga mambabatas para madaliin ang pag-apruba sa mga panukala.
Ayon sa kanya, nagbigay na rin umano ng commitment ang liderato ng Kamara at Mayorya na magtatrabaho ng double-time para maaprubahan ang mga house bills sa itinakdang deadline.
Naniniwala din si Romualdez na makikiisa ang Minorya sa pagpapasa ng mga legislative agenda ng pamahalaan.