Pinahayag kahapon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ihahain na ng Duterte administration ang 2020 proposed national budget sa susunod na Martes.
Ginawa ni Cayetano ang naturang pahayag sa isinagawang hearing ng House Ways and Means Committee hinggil sa panukalang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act o CITIRA.
Hindi nagawang maisumite ng MalacaƱang ang propsed budget, pending sa plano noong araw ng pang-apat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa Saligang Batas, ang deadline ng pagsumite ng General Appropriations Bill ay isang buwan matapos magbukas ang Kongreso.
Sinabi ni Cayetano na magkasabay dapat na ipasa nila ang budget at ang tax measure.
Ayon sa kanya, hindi nila maaaring ipasa ang national budget kung wala ang kaakibat nitong revenue measures at umaasa daw sila na sa buwan ng Oktubre, magkakaroon ng consensus ang Kongreso na maipasa na nila ang iilang mga critical at priority measures.
Samantala, nangako naman si House Minority Leader Bienvenido Abante, Jr. na busisihin nito ang proposed measure.
Ayon sa kanya, naniniwala siya na lahat sila sa Kamara ay susuporta sa layunin ng panukala na i-attract ang investment at i-encourage ang negosyo sa bansa, ngunit dapat umano nilang seguruhin na maisagawa nila ito na hindi maaapektuhan ang mga government revenues na kakailanganin sa pagsuporta sa mga importanteng programa ng pamahalaan.