Matatanggap na ng kamara ang 2020 National Expenditure Program (NEP) mula sa executive department sa susunod na biyernes, Aug 16, 2019.
Sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na ang hakbang ay ginawa upang mapabilis ang pagpasa sa 2020 proposed budget bago ang October session break ng kongreso.
Tinatayang nasa P4.1 Trillion ang 2020 budget, na mas malaki kumpara sa P3.7 Trillion budget ngayong taon.
Ayon kay Salceda, modified cash-based budgeting system ang ipapairal sa implimentasyon ng 2020 budget.
Bago mag Oktubre a-5 ang target ng Kamara na maipasa ang pambansang pondo para maiwasan ang budget impasse na naganap sa budget deliberations ngayong taon.