Nagpahayag sina TUCP Partylist Rep Raymund Midoza at Alan Tanjusay ng ALU-TUCP ng pagka-lungkot na mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tumalikod sa kaniyang pangako na wakasan ang kontraktwalisasyon sa bansa.
Sinabi nila na mistulang tinalikuran ng Pangulo ang kapakanan ng milyong-milyong mga endo workers sa buong Pilipinas na umaasa sa pangako nito na mareregular sila sa trabaho.
Bagamat hindi talaga tuwirang makasasagot sa problema ng kontraktwalisasyon ang vinetong panukala, giit nila na makakatulong parin ito kahit papaano para makuha ng mga non-regular workers ang tamang benepisyo para sa kanila.
Matatandaan na isa sa mga pangako ni Pangulong Duterte sa nagdaang 2016 presidential campaign na tatanggalin nito ang ENDO sa bansa sa lalong madaling panahon.