Tuesday, August 06, 2019

House, naglabas ng Advisory hinggil sa Pre-SONA 2019 reminders at security requirements


Ang House of Representatives, sa isang Advisory, ay naglabas ng iilang mga Pre-State of the Nation Address (SONA) reminders at mga security requirement, kasama ang isang complete lock-out policy magmula July 19 hanggang 21, 2019 kung saan ang mga empleyado at non-employees ng Kamara de Representantes na walang official business sa loob ng Kamra ay hindi pahihintulutang pumasok sa loob ng HRep Complex.
Idinitalye ni House Acting Secretary-General Dante Roberto Maling ang Pre-SONA reminders at security requirements sa isang Advisory para sa mga House Members, officials at mga empleyado.
Ang naturang Advisory ay inilabas kaugnay na rin sa Opening ng First Regular Session ng 18th Congress at ng Joint Session ng Kongreso upang pakinggan ang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa July 22, 2019.
Samantala, isa sa mga nakasaad din sa Advisory ay ang issuance ng SONA 2019 IDs, na nagsasabi na isang specially designed color-coded SONA 2019 ID ay ibibigay sa lahal ng Senate at HRep Secretariat officials at employees, Congressional staff, Media personnel at mga empleyado ng contractor na magri-report sa trabaho sa SONA Day.