Naghain na ni Rep. Lord Allan Jay Velasco ng Lone District ng Marinduque ng counterpart bill na kahalitulad ng inihain din ng Senadong naglalayong ipagbabawal na sa sinumang mamamayan na bumili ng anumang uri ng sasakyan kung hindi ito makapag-provide ng parking space.
Batay sa panunakang inihain ni Velasco, gagawin nang pre-requisite ang paggawa ng parking space sa pagbili at pagpapa-rehistro ng isang sasakyan o motor vehicle.
Ang House Bill 2394 na inihain ng solon ay kahalintulad ng inihain din ni Senator Sherwin Gatchalian nang ito ay kongresista pa noong 16th Congress at inihain muli nito bilang senador ngayon.
Batay sa panukala, ang sinumang nagnanais na bumili ng sasakyan ay i-require na mag-execute ng affidavit na magpapatunay na ito ay may available na permanenteng parking space o pasilidad kung saan ang kanyang behikulo ay dapat naka-park.
Ang affidavit na ito ay required na i-presenta sa Land Transportation Office bilang isang mahalagang requirement para sa registration ng kabibili pa lamg na sasakyan.
Perjury at penalty na nagkakahalaga ng 50 mil ang aabutin ng sinumang lalabag sa naturang batas at pakaka-suspende naman ng tatlong buwan na walang suweldo ang maging parusa sa parte naman ng opisyal o maging empleyado man ng LTO na makitaang guilty sa pakikipag-conspire sa isang perjured na mamimili ng sasakyan.