Apatnapu't tatlong miyembro ng house ways and means committee ang bumuto pabor sa panukalang magtataas ng excise tax sa mga alcohol products na nauna nang naipasa sa mababang kapulungan sa mga huling bahagi ng 17th Congress.
Nauna rito, nasa siyam na panukalang batas na may parehong pakay ang pinag-isa ng komite sa hearing at napagkasunduan na e-adopt ang House Bill 1026 ni Albay Rep. Joey Salceda na siyang ring chairman ng ways and means ngayong 18th Congress.
Ngunit si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ay tumutol sa adoption sa bersyon ng panukala ni Salceda at iginiit na magkaroon pa ng karagdagang hearing para marinig pa ang panig ng ibang stakeholders partikular na sa Deparment of Finance.
Subalit nanaig ang majority votes ng lahat ng miyembro at ginamit ang Rule 10 section 48 ng house rules kaya agad na naipasa sa committee level ang alcohol excise tax bill.