Tuesday, August 06, 2019

Contractor ng MRT 7 Commonwelath Avenue, pinagpaliwanag ni Hipolito-Castelo sa pagkabalam ng konstaksiyon nito


Pinagpapaliwanag ni Quezon City 2nd District Rep Precious Hipolito-Castelo ang  Engineering Equipment Inc Corporation o EEI, isa sa mga leading construction companies sa buong bansa na siyang contractor ng Metro Rail Transit Sytem 7 o MRT-7 na ginagawa sa Commonwealth Avenue sa Kyusi kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatapos nito ang proyekto samantalang ito ay dapat nang tapos kung pag babatayan ay ang commitment nito na tapusin ito noong nakaraang buwan ng Hulyo 2019.
Sinabi ni Hipolito-Castelo, isang bagitong kongresista, na ang EEI ay nagbigay ng commitment na tapusin ang nabanggit na proyekto bago matapos ang buwan ng Hulyo doon sa mga meeting na kanilang dinaluhan ngunit hindi nito tinupad ang kanilang binitawang pangako na nagresulta ng pagkadamay ng mga commuter na nagdurusa dahil sa kanilang incompetence.
Ayon pa sa mambabatas, ang pagkabalam sa pagkompleto at pagtapos ng proyekto ay nagresulta ng iba’t ibang uri ng problema na kinaharap ng ating mga commuter maging sa pribado man o sa pampubliko dahil sa matinding traffic na dulot construction ng proyekto.
Idinagdag pa ng solon na nakadagdag pa sa mabigat na trapiko ag mga malalalyong mga U-turn  slots na minamaniobra ng mga nagmamaniho.
Hinimok din ni Hipolito-Castelo ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na mag-deploy ng mas marami pang mga personnel sa mga apektadong area kung saan ay nagkakaroon ng mga mabigat na trapiko.
Dahil dito, sinabi ng kongresista na nakaka-awa umano ang publiko dahil ang layu-layo ng kanilang minamaneho para lang makapag-U-turn kung kaya’t nararapat lamang na madaliin ng EEI ang pagtapos sa proyekto at magpaliwanag sila kung ano ang dahilan ng pagkabalam nito na nagdudulot ng inconvenience na dinaranas ng ating mga kababayan dahil sa traffic build up araw-araw.