Wednesday, August 28, 2019

33 mga modelong lalawigan, makikinabang ng Universal Health Care Law sa 2020

Nasa 33 model provinces ang unang makikinabang sa Universal Health Care Law sa susunod na taon ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Kabilang dito ang Valenzuela at ParaƱaque City sa National Capital Region, Dagupan City sa Region 1, Baguio City at Benguet sa CAR, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino sa Region 2, Bataan at Tarlac sa Region 3, Batangas at Quezon Province sa Region 4-A, Oriental Mindoro sa Region 4-B, Masbate at Sorsogon sa Region 5, Aklan, Antique, Guimaras at Iloilo sa Region 6, Cebu City sa Region 7, at Biliran, Leyte at Samar naman sa Region 8.
Kasama din dito ang Zamboanga del Norte sa Region 9, Cagayan de Oro, Misamis Oriental sa Region 10, Compostela Valley, Davao del Norte sa Region 11, Saranggani Province at South Cotabato sa Region 12, Agusan del Sur at Agusan del Norte sa Region 13 at Maguindanao sa BARMM - hindi kasama ang Lanao del Norte.
Ayon kay Duque, nasa P257 Billion ang kailangang pondo ng UHC Law na hindi maibibigay sa DOH sa 2020 dahil kakaunti lamang ang umento sa pondo ng ahensya sa susunod na taon.
Nauna namang sinabi ng Department of Budget and Management na nakalaan sa implementasyon ng UHC Law ang P166.5 billion na pondo ng DOH sa ilalim ng 2020 National Expenditure Program.