Inirikomenda ng namuno ng House committee on appropriations kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-reenact ang budget sa 2019 kung hindi talaga malulutas ang hidwaan sa dalawang sangay ng kongreso.
Sinabi ni Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., na nangangarap siya na sumangayon ang Senado sa niratipikang budget para mapirmahan na.
Ayon kay Andaya, siya, si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora at Albay Rep. Edcel Lagman ay may limang araw para kausapin ang mga senador na tapusin na ang budget.
Sinabi niya na: “We are given five days and the Senate counterparts to resolve the impasse. Kung mag-fail, magpakatotoo na tayo, ako na mismo ang magrerekomenda na reenacted [budget] na tayo the whole year para umusad na ang mga proyekto.”
Idinagdag pa ni Andaya na dapat umanong samantalahin ng gobyermo ang magandang panahon para maipatupad ang nga proyektong impraestruktura.
“This is the most opportune time para sa mga proyekto dahil tag-init,” ayon pa sa kanya.