Sinabi ni
Lopez na sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apela ng mga magsasaka
na pansamantalang itigil ang importasyon ng bigas dahil sa mas masaganang ani
ngayong 2017 kumpara noong 2016 na itutuloy din pagkatapos ng anihan batay sa
rekomendasyon ni Agriculture secretary Emmanuel Piñol.
Kasabay
nito, pinuri ni Lopez si Pangulong Duterte at Secretary Piñol sa mga hakbangin
nitong protektahan ang interes ng mga magsasaka at mamamayan laban sa
pagmanipula ng presyo ng bigas na umano’y kontrolado ng ilang malalaking
negosyante ng butil sa bansa.
Nauna
rito, inihain ni Lopez ang Resolusyon bilang 951 para siyasatin ang umano’y
rice shortage at ‘rice cartel’ na posible umanong nag-ugat sa kautusan ng
pamahalaan na itigil ang importasyon.