Walang
tumutol nang isalang ni House committee on transportation chairman Cesar
Sarmiento sa ratipikasyon ang nasabing panukala kahapon sa plenaryo ng Kamara.
Dahil
dito, agad na ipapadala ang panukala sa Office of the President para lagdaan ni
Duterte at maipatupad sa loob ng 15-araw pagkatapos itong maipalathala.
Gayunpaman,
kahit hindi pirmahan ni Duterte ang nasabing panukala ay magiging batas ito sa
loob ng 30-araw mula nang ipadala ang panukala sa kanyang tanggaan.
Base sa
nasabing panukala, lahat ng mga Filipino na kukuha ng passport ay magagamit sa
loob ng 10 taon o doble sa kasalukuyang 5 taon na validity ng nasabing
dokumento.
Layon
umano ng batas na bawasan ang pila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at
maging ang gastos ng mga Filipino sa pagkuha ng pasaporte tuwing ika-5 taon.
Malaki
rin umano ang tulong ng batas na ito para sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa
ibang bansa lalo na ang mga mayroong mahahabang panahon ng kontrata.