Thursday, May 18, 2017

Emergency power ibibigay na ng Kamara kay Duterte

Ibibigay na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte ang emergency power para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila, Davao City at Metro Cebu.

Ito ang siniguro ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez sa press briefing kamakailan dahil natapos na ang pagdinig ng House committee on transportation sa nasabing panukala.

Umaandar na raw sa Kamara matapos kumustahin ang nasabing panukala dahil wala ito sa 14 panukalang batas na prayoridad ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na maipasa bago ang sine die sa ­Hunyo 2, 2017.

Ayon kay Alvarez, kahit wala sa 14 priority bills, puwedeng maisama ito sa mga aaprubahan ngayong buwan bagama’t aminado ang House Speaker na “parang MRT lang, laging nasisira”.