Sinabi ni NOgrales na para sa tatlong taon, hindi lalampas ng 40
porsiyento ng taunang dagdag buwis na makukuha mula sa petroleum excise tax sa
ilalim ng batas ay ilalaan para sa Social Benefits Program kung saan ang
mga kwalipikadong benepisaryo ay bibigyan ng Social Benefit Card.
Gayundin ang alokasyon para sa pagkakaloob ng fuel vouchers sa
kwalipikadong prangkisa ng transportasyon ay kukunin mula sa dagdag na buwis na
ito. Isang inter-agency committee sa pangunguna ng Department of Finance (DOF),
at binubuo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department
of Education (DepEd), Department of Transportation (DOTr), Department of Energy
(DOE), Department of Budget and Management (DBM) at ng National Economic and
Development Authority (NEDA) ang mamamahala sa implementasyon ng programa.
Nakasaad din sa panukala na sa parehong panahon, magkakaroon din ng
alokasyon para sa inprastraktura, pangkalusugan, edukasyon at gastusin sa
social protection benefits ang mula sa natitirang taunang dagdag buwis.”
Samantala, may ilang pag-amiyenda sa Paragraph G may pamagat na
"Health Promotion Fund." Inaprubahan ng Komite ang probisyon ng 50
porsiyento ng koleksyon sa buwis mula sa P10 per liter excise tax sa sugar
sweetened beverages (SSB) ay mapupunta sa General Fund (GF).
Sa natirang 50 porsiyento ng koleksyon sa buwis mula sa SSB excise tax,
pinagtibay ng Komite ang mungkahi ng Department of Finance (DOF) na ipinahayag
ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na 85 porsiyento ng
malilikom ay ilalaan sa mga programang prayoridad para sa gobyerno na inisa-isa
ni Nueva Ecija Rep Estrellita B. Suansing, ang pangunahing may akda ng
panukalang SSB excise tax, walang pagbanggit sa prosyento ng alokasyon, habang
ang natitirang 15 porsyento ay para sa mga magsasaka ng asukal.
Sinabi pa ni Chua na para lamang ito matukoy kung anu-ano ang mga
pangunahing programa na poponduhan kahit hindi nabanggit ang porsiyento
ng alokasyon. Magkakaroon ng laya ang mga departamento, ang DBM at Kongreso na
mapaliwanag ang pondo ng alokasyon matapos itong makita sa kabuuan.