Tuesday, May 16, 2017

10 years passport validity lusot na

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang palawigin na ang validity ng passport ng hanggang 10 taon mula sa kasalukuyang limang taon.

Nakapaloob ito sa Senate Bill 1365 o ang Philippine Passport Act na iniakda nina Sens. Richard Gordon, Cynthia Villar, JV Ejercito, Loren Legarda, Joel Villanueva, Grace Poe, Alan Cayetano at Ralph Recto.

Naniniwala si Villar, vice chair ng Senate Committee on Foreign Relations na sa pamamagitan ng panukala ay magiging madali na ang pagbibiyahe sa ibang bansa partikular na ang OFWs.

“We owe a lot to our OFWs,” ayon pa kay Villar.

Sa kasalukuyan ay limang taon lamang ang validity ng passport ngunit hindi na rin ito magagamit anim na buwan bago ito mag-expire.

“Our constitution guarantee our countrymen’s right to travel. We should indeed have the freedom to move around and even leave the country for whatever valid purpose we may have,” ayon pa kay Villar.