Monday, April 17, 2017

PNP trust fund ni Pangulong Duterete, suportado sa Kamara

Ipinanukala ni Deputy Speaker ar Batangas Rep Raneo Abu sa pamamagitan ng HB02426 ang pagtatatag ng isang trust fund upang matulungan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipalawig ang pagpapalakas ng Philippine National Police (PNP) na eksklusibong gagamitin para sa programang reorganisasyon at pagmomodernisa ng PNP.

Sinabi ni Abu na ang kanyang proposal sa ilalim ng PNP reorganization and modernization act ay magbibigay sa PNP ng kaukulang pondo para masuportahan ang iba’t ibang proyekto nan aka-desinyo para maiangat ang mga personnel at ang modernisasyon ng mga pasilidad at gamit nito.
   
Ayon sa kanya, base umano sa pagsasaayos ng operational readiness at mission capacity ng PNP sa pamamagitan ng PNP modernization plan, ang kagawaran ay magiging handa na sa pagsabak sa mga hamon at banta sa buong bansa.

Iginiit pa ni Abu na ang pangangailangang pag-transform at pag-develop ng PNP bilang isang community at service-oriented agency sa lahat ng aspeto ng kapulisan at sa internal security functions nito.

Sa pagsiseguro ng kapayapaan at kaayusan at public safety ng bansa, ayon pa sa kanya, ay ang pangunahing responsibilidad ng PNP at sa kasalukuyan, wala nang hihigit pang mga banta sa ating mga mamamayan, mga mamumuhunan, local man o dayuhan ang peace and order situation ng ating bansa.

Upang maisakatuparan ng PNP ang iba’t ibang mga programa nito para i-contain ang mga banta sa katatagan at peace aqnd order ng bansa, nararapataq lamang umanong i-transform ang kagawaran na maging isang modernong law enforcement organization na puwedeng ikumpara sa mga world’s best.

Saq ilalim ng panukala, ang PNP, sa pamamagitan ng National Police Commission (NapolCom) ay magsumite sa Kongreso ng schedule of priority projects at activities ganun ng annual estimated average costs nito.