Tuesday, April 18, 2017

Patayan dahil sa drug war, ‘di pumreno kahit Semana Santa

Nanlumo ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil hindi ­nangilin ang ­Philippine ­National Police (PNP) noong ­panahon ng ­Semana ­Santa matapos makapatay ang mga ito ng 39 katao sa kanilang giyera kontra ilegal na droga.

“This is mortifying for the only dominantly Christian country in Asia,” reaksyon ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin dahil isinantabi umano ng PNP ang tradisyon ng mga Kristiyano na mangilin sa ganitong panahon.

Base sa mga report, mula nang magsimula ang Semana Santa ay nakapa­tala ang PNP ng 4 na patay kada araw sa kanilang giyera kontra ilegal na droga mula Abril 7 hanggang 16.
Nagsimula ang Semana Santa noong Abril 9 at natapos noong Abril 16.

“Despite our ­Christian tradition of penitence and abstention from committing violence in ­deference to Christ’s ­passion and resurrection, it seems that the war on drugs doesn’t care nor respect such,” ani Villarin.