Monday, April 17, 2017

Pagpapahaba ng prison terms sa halip ng death penalty, ipinanukala

Hiniling ni Northern Samar Rep Raul Daza sa kanyang mga kasamahan na ikonsidera ang pagdadagdag ng prison terms at pag-aalis ng parole privilege para sa mga kombiktado ng heinous crimes na ayon sa kanya ay mas katanggap-tanggap pa kaysa sa death penalty.

Sa panukalang inihain ni Daza, ang HB04872, layunin nito na dadagdagan ang tagal o duration at epekto ng mga parusa sa reclusion temporal at reclusion perpetua kahit ipinasa na unanimously ng House of Representatives ang panukalang parusang kamatayan

Sa kanyang panukala, nananawagan si Daza para sa pag-amiyenda sa Revised Penal Code sa pamamagitan ng pag-increase sa prison term sa reclusion perpetua o ang life imprisonment mula sa maximum na 20 years na magiging 30 years at maximum na 40 years.

Sa ilalim ng panukala, ang mga kombiktado ng reclusion perpetua ay hindi na eligible sa parole sa loob ng Indeterminate Sentence Law.

Ang HB04872 ay may layunin ding i-adjust ang prison sentences para sa mga kriming punishable ng reclusion temporal mula 12 taon at isang araw hanggang 30 taon.

Ang maximum prison term para sa reclusion temporal sa kasalukuyan ay 20 taon.

Si Daza ay isa sa 52 na mga mambabatas na hindi sumang-ayon sa pagpasa ng death penalty bill na binalangkas para sa third and final reading noong nakaraang buwan.

Ayon kay Daza, bagamat kailangan ng ating bansa ang isang malakas na deterrent laban sa kriminalidad lalu na sa salut ng illegal na droga, ang death penalty ay ayon sa kanya, empirically nagpapakita lamang na ito ay hindi epektibo.

Ang panukala ni Daza ay kasalukuyang nakabinbin pa rin sa House committee on justice na siya namang malakas na nagrekomenda na maipasa ang death penalty bill.