Tuesday, April 18, 2017

Pagiging no. 1 ni Duterte sa online poll ng Time Magazine, pinapurihan

Pinapurihan ngayon ni Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa pagkakahirang nitong nasa top spot ng online poll ng TIME Magazine hinggil sa world’s 100 most influential people para sa taong 2017.

Sinabi ni Barbers na ang buong Surigao del Norte at siya ay malugod na bumabati sa ating Pangulo, isang phenominal at populist na lider na kinilala hahil sa kanyang pragmatic policies na hindi nagpapatakbo ng rules at niceties na ginagawa ng ibang mga lider.

Ayon kay Barbers, si Pangulong Duterte ay nararapat lamang na nasa pinakamataas sa listahan ng online poll ng Time Magazine dahil sa estilo nito ng kanyang leadership, governance at unorthodox methods sa pag-solbar sa problema ng kapayapaan at kaayusan ng bansa at sa socio-economic at political ills nito.

Bilang isang dating mayor ng Davao City ng mahigit pa sa 30 taong, dagdag pa ng mambabatas, alam umano ni Duterte ang mga pagbabago ng subculture at modes ng kanyang constituents – ano ang kanilang mga problema, papaano sila mag-isip at ano ang kanilang mga pangangailangan – at ang paggawad sa kanila ng pinakamainam na palisiyang solusyon sa bawat sitwasyon.

Sa kabila ng palagihang paggamit ng Pangulo ng mga street lingo at iba pang mga pagmumura, sinabi ni Barbers na minahal at kinagigiliwan pa rin ito ng mga tao sapagkat siya ay tapat at sinsero sa kanyang mga salita at mga gawa.

Mahal ng mga Filipino ang mga taong mga realistic at down-to-earth at yaong may sense of humor na siya namang madaling makapag-identify ang bawat isa at naipakita niya ang kanyang pagiging tunay na lider ng Davao City.