Ito
ang naging pahayag ni House committee on Appropriations Chair at Davao City Rep
Karlo Alexei Nograles ng kanyang sinabi na sa katatapos lamang na state visit
ni Pangulong Duterte sa Middle East, nakapangalap ang pangulo ng mahigit $925
Million sa pamumuhunan galling sa Bahrain, Qatar at Saudi Arabia.
Sinabi
ni Nograles na taliwas sa mga sinasabi na ang pangulo ay bigo sa aspeto ng
economic governance, ang eknomiya ng bansa ay nagpapakita lamang ng mataas nap
ag-asa dahil sa mga repormang pang-ekonomiko ng administrastyon.
Ayon
kay Nograles, ang basic common sense at true compassion para sa mga mamamayan
ay ang mga solidong pundasyon ng mga economic policy ni Pangulong Duterte.
Idinagdag
pa ng mambabatas na palagi na natin umanong naririnig qang pagmamayabang ng nakaraang
administrasyon ang hinggil sa statistics ng ating economic growthngunit wala
naman umano tayong anumang significant na mga pagbabago sa buhay ng ating mga
kababayan.
Ang
pananaw na ito ay magbabago na ngayon dahil ang economic agenda ng pangulo ay
naka-angkla sa kung papaano gawing maging magaan ang pamumuhay para sa ating
mga kababayan at an gating economic growth ay hindi lamang patutungkol sa mga
figure at statistics kundi ito naging makatutuhanan na sapagkat ang real
reforms na siyang aangat sa pamumuhay ng bawat mamamayan, particular na yaong
mga mahihirap ngunit matiyaga namang nagtatrabaho ay naisasakatuparan na.
Sinabi
ni Norgrales na ang tinatawag na “Dutertenomics” ay sumisentro sa naging
commitment ng pangulo sa pakikipaglaban nito sa kahirapan sa pamamagitan ng
pagtatatag ng isang kapiligirang angkop para sa mga job-generating investments.