Sa
nalalabing isang buwang legislative session, ang House ay inaasahang umakto sa
iilang mga mahahalagang panukala na kinabibilangan ng Comprehensive Tax Reform
Program measure at ang panukala na magbababa ng edad ng criminal liability
habang ang super majority bloc ay nagsisikap na maging instrument ng pagbabago
na nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mangyari.
Ang 186
na inaprubahang mga pnukala at kapasyahan ay naging bahagi ng 794 na measures
na prenoseso ng Kamara sa nakaraang 83 session days, o nag-aaverage ng 10
measures na prenoseso ng mga mambabatas ayon sa statististical data na ibinigay
ng House Bills and Index Service at Committee on Rules.
Kasama
rin sa 794 na prenosesong measures ay ang 317 resolutions na ini-refer hinggil
sa inquiries, 283 measures na substituted o consolidated, at walong measures
din ang nasa calendar of business na tatalakayin agad sa pagbubukas muli ng
sesyon sa ika-dalawa ng Mayo.