Tuesday, March 14, 2017

Paki-usap ni Ramirez Sato kay Speaker Alvarez: huwag padalus-dalos

Naki-usap si Occidental Mindoro Rep Josephine Ramirez-Sato kay House Speaker Pantaleon Alvarez na isaalang-alang nito ang kanyang plano na alisin ang committee chairmanship ng mga mambabatas na bomuto noong nakaraang lingo laban sa Death Penalty bill.

Sinabi ni Ramirez-Sato na kung ito at matuloy, ang unang maging biktima ng parusang kamatayan ay ang Kamara de Representantes bilang isang institusyon dahil ang kalayaan at demokrasya ng institusyon ay ang unang mabaliwala.

Sa kanyang kaso umano, siya ay itinalaga bilang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments bilang isang designated member ng Liberal Party at ang naturang  komisyon ay isang constitutioinal body kung saan ang mga miyembro nito ay nakabatay din sa proportional representation ng mga political party sa House of Representatives at kung siya daw ay alisin base sa kanyang boto, ito ay isang paglabag sa independence ng Commission, ayon sa konstitusyon.