Tinalakay
sa nabanggit na pagdinig ang HB01557, HB01570 at HB03134 na may layuning
magbibigay ng insentibo sa mga filmmaker ng Philippine independent films na
nagbibigay karangalan sa mga notable international film competition.
Isa sa
mga insentibo na igagawad sa indie film filmmakers ay P5 milyong sa film
production o sa kumpanyang nag-produce ng award-winning full-length feature o
documentary film at P3 milyong para sa short feature o documentary film; tax
exemption sa screening ng pelikula at sa commercial exhibition at automatic
rating grade ng A na magbibigay din ng insentibo sa producer na kayumbas sa
amusement tax na ipinapataw at kinokolekta sa mga graded film.
Ang
pinaka-objective ng mga panukalang kanilang tinalakay ay upang i-encourage ang
mga filmmaker na mag-produce ng quality films, lumahok sa mga film festival at upang
makapag-develop at makapag-produce ng indi films.