Sa
HB04039 na inihain ni 1-Ang Edukasyon partylist Rep Salvador Belaro, layon nito
na mapabuti ang diyeta o diet ng may mahigit sa dalampu’t siang milyong mga
Filipinong magaaral nan aka-enrol sa mga public school sa pamamagitan ng
pag-regulate, kung hindi man tuluyang maipagbabawal, ang pagbenta ng mga
sugar-sweetend beverage kagaya ng softdrinks at energy drinks sa lahat ng mga
kantina sa pampublikong elementarya at sekondaryang mga paaralan sa buong
bansa.
Ayon kay
Rep Belaro, batay sa World Health Organization (WHO) survey na ginanap noong
nakaraang taong 2016, natukoy ang sugary drinks kagaya ng softdrinks at energy sports
drinks bilang mga major contributor sa obesity o sobrang katabaan at sakit na
diabetes.
Sa
pangkaraniwan umano, ang isang lata ng isang sugary drinks ay naglalaman ng 40
gramong free sugars ay katumbas sa sampung (10) kutsarita ng table sugar na
masyadong mataas sa inirekomenda ng WHO na ang healthy intake lang daw ng
asukal sa katawan ay kailangang 5% ng pang-araw-araw na energy intake lamang o
katumbas ng 6 na kutsarita ng table sugar.
Nabahala
si Belaro na ang mga estudyanteng may subra-sobrang intake ng asukal sa
kanilang mga katawan na nakakamit nila dito sa mga unhealthy junk drinks dahil saw
ala naman silang opsiyon na inumin sa kanilang mga canteen kundi ang softdrinks
lamang.