Sa isang
panayam, sinabi ni Alvarez na hindi lamang ang mga paratang at gawa-gawa lamang
at walang ebidensiya upang masuportahan ang mga ito kundi pati na rin ang
kasaysayan ng mga nagdaang impeachment complaints laban sa nakaraang Pangulo ay
hindi makakatulong ng mabuti.
Simple lang na maituturing ito, stupidity, period, ang sambit ni
Alvarez.
Magkayaunpamang, sinabi ng Speaker na ang impeachment complaint ay
dadaan sa prescribed procedure sa Kamara de Representantes.
Maari
umanong ang complaint ay nakasunod sa mga requirement ng proper form ngunit
sinabi niya na ito ay definitely hindi makakasunod sa requirement for sufficiency
in substance upang ito ay mag-prosper.
Sinabi ni
Alvarez na huwag na lamng makarating doon sa numbers at ang pag-uusapan na lang
ay yung substance, sapagkat dito pa lamang, hindi na papasa at malinaw na
malinaw umano ito na kasing linaw ng sikat ng araw.
Sa
nakatala, inakusahan sa complaint si Pangulong Duterte ng culpable violation of
the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, at ang paging
responsible sa mga pagpatay na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa
iligal na droga.
Sinabi ni Alvarez na bilang isang abogado, madali umanong magsulat ng
culpable violation of the constitution ngunit sa pagprueba ng mga ito ay ibang
usapan na at hinggil naman sa ibang mga paratang, ang mga ito naman walang mga
basehan.