Nakiusap
si Roque kay Magdalo partylist Rep Gary Alejano na mag-withdraw ito sa kanyang
complaint upang mahadlangan ang sinasabi niyang isang unavoidable political
turmoil na magpa-paralyze sa pagsasabatas ng Kamara.
Ayon sa
kanya, ang impeachment at counter-impeachment ay magre-resulta lamang ng banta
ng legislative paralysis sa pagpasa ng kanyang mga pet bill – kasama na nga ang
Universal Health Care Act, Freedom of Information Act, at ang National School
Lunch Program – para maging batas.
Inulit pa
niyang sabihin ang dati na niyang pahayag na ang impeachment complaint laban
kay Pangulong Duterte ay mabibigo lamang dahil sa naniniwala umano siya na
kailangan pang magkaroon ng marami pang case building para ito ay magtagumpay, particular
na rito ang hinggil sa extralegal killings.
Ayon sa
kanya, bagamat ina-appreciate niya si Alejano at ang Magdalo dahil gumamit ang
mga ito ng constitutional means upang mai-unseat ang sitting president sa halip
na gumamit sila ng mga marahas na aksiyon kagaya ng pagpapasabog ng mga
building kagaya ng mga ginawa noon.
Sa
kabilang dako naman daw, ang administrasyon ay mayroong numero upang ma-impeach
si Vice-President Robredo ngunit ang masasabi lang daw niya na ang mga binitiwang
salita ng pangalawang pangulo ay hindi naman daw supesiyente para maipruweba
ang betrayal of public trust para sa Pangulo.
Kaya
naki-usap umano siya sa Speaker na habang ang majority ay may numero para
i-impeach si Robredo sa Kamara, dapat seguruhin din nila na maseguro ang
kombiksiyon sa Senado para mapangalagaan ang integridad at reputasyon ng House
of Representatives ngunit ito ay nangangailangan muna ng case building.