Monday, March 20, 2017

Alvarez: hindi rubber stamp ang Kamara

Nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sa kanyang liderato ng House of Representatives, ito ay maalaala bilang isang institusyong nakapagbigay ng soluswyon sa mga suliranin ng bansa at ito ay tuturinging hindi isa lamang rubber stamp ng Executive Branch.

Sinabi ng lider ng Kamara na gusto lang niyang maalaala ang House under his leadership na hindi naman siya rubber stamp ng Executive branch at ang Kamara ay hindi sunud-sunuran lamang sa gusto ng Executive branch, isang House of Representatives na ina-address yung problema ng ating bayan.

Sinabi ni Alvarez hindi niya pinangarap na maukupahan ang pang-apat na pinakamataas na posisyon sa ating bansa ngunit dahil nasa kanya na ang trabaho, handa umano siyang gawin ang anumang nararapata na gawin na walang takot sa anumang maging konsekuwensiya.

Idinagdag pa niya na kailangan lang huwag matakot at gawin lamang ang iniisip kong tama at harapin ang anumang maging kahihinatnan matapos ang aking termino at kung kailangang makulong, di makulong dahil kumandidato ka, so, panindigan mo yan sapagkat ang leadership ay hindi para sa mga duwag,

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang Kamara ay nakapagpasa ng kotrobersiyal na panukala, ang death penalty bill sa gitna ng matinding pagtutol ng Simbahang Katoliko, human rights advotates at biilan pang mga non-gevernment organization.

Sinabi niya na gagawin niya ang anumang nararapat na gawin sapgkat wala naman siya umanong mga ambisyon polotikal at siya ay magri-retire sa politika pagkatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa rin sa kanya, pagka-meron kang umanong ambisyon na ganoon, wala kang magagawang trabaho na maayos kasi mag-iingat ka kung kaya’t  ayaw niya ng ganun dahil sa kanya, ang priority niya, we will be able to institute reforms dito sa bansa natin.