Sinabi ni Bataan Rep Geraldine Roman na natutuwa siya sa pahayag ng AFP na papayagan na nitong maging miyembro ang mga nasa hanay ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT) community.
Talaga umanong ang pagbabago ay tunay na nangyayari na sa ating bansa segun sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay kumakandidato pa sa pagka-presidente at idinagdag pa niya na siya ay natutuwa dito sa positibo at historic development ng ating bansa.
Suportado
rin ni Roman ang panukalang pagbabalik ng Reserved Officer Training Corps (ROTC) upang maihanda
ang mag kabataan sa pagtatanggol sa bansa at sa pagtulong sa iba sa panahon ng
sakuna kagaya ng lindol at bagyo.
Ayon
pa sa mambabatas, siya ay mag-aaplay upang maging isang military officer sa AFP
Reserve Force para maging kauna-unahang transgender military officer sa
Republika ng Pilipinas.
Naniniwala
si Roman na makatutulong ito upang mas matanggap ng publiko ang LGBT community
na makakatuwang nito sa paglilingkod sa bayan.
Nginit humirit naman ito at umasa na dapat umanong pambabaeng unipormeng kanyang isusuot, pati na rin ang ayos kanyang buhok.