Tuesday, February 14, 2017

Simpleng buwis sa auto, tinutulak

Sinimulan na ng Kamara ang pagbalangkas ng mga panukala na nakatuon sa pagtataas ng excise tax ng mga kotse na isa sa Comprehensive Tax Reform Package na iminumungkahi ng Department of Finance (DOF).

Sa ilalim ng HB04774 na iniakda ni Quirino Rep Dakila Carlo Cua, Chairman, Committee on Ways and Means, at HB04688 na inihain naman ni committee vice chairman Albay Rep Joey Salceda ay kanilang isinusulong ang “Tax Reform for Acceleration and Inclusion” o TRAIN.

Sa panukala ni Cua, magkakaroon ng pagtaas ang excise tax para sa automobiles ng apat na porsyento mula sa dati nitong dalawang porsiyento lamnag kung mataas sa P600,000 ang net manufacturer’s price/importer’s selling price.

Samantala, sa ilalim ng panukala ni Salceda, tataas ng limang porsyento ang excise tax ng mga kotse mula sa dati nitong dalawang porsyento kung mataas sa P600,000 ang net manufacturer’s price/importer’s selling price.

Kung P600,00 ang halaga nito hanggang P1.1 million, 20 porsyento ang tax rate sa neto ng manufacturing/importation price.

Kung mahigit P1.1 million hanggang P2.1 million, ay 40 porsyento ang ipapataw na tax rate ng net manufacturing/importation price. At sa huli, kung P2.1 million ang halaga nito ay 60 porsyento ang tax rate ng net manufacturing/importation price.

Ayon kina Cua at Salceda, layon ng kanilang panukala na lumikha ng mas simpleng sistema sa buwis, patas, mas mahusay at mas mababang halaga na makapagtataguyod ng pamumuhunan, trabaho at pagbawas sa kahirapan.