Dumalo sa
pagdinig ng House committee on ways and means sina House Speaker Pantaleon D.
Alvarez at Majority Leader Rodolfo C. Fariñas at hiniling sa lahat ng miyembro
ng gabinete at iba pang opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa panukalang
Comprehensive Tax Reform Package na isinusulong ng Department of Finance (DOF)
na dumalo sa pagdinig upang direktang sagutin ang mga katanungan mula sa mga
mambabatas.
Nilinaw
ni Fariñas na ang kanilang tungkulin ay kumatawan sa bawat distrito sa bansa at
napakahalaga ng papel na kanilang ginagampanan lalo na sa panukalang pagtataas
ng buwis na nakaatang sa Mababang Kapulungan at hindi maaaring gampanan ng
Mataas na Kapulungan dahil malinaw sa Saligang Batas na ito ay kanilang mandato
lamang.
Sinabi ni
Farinas na pumunta umano sila lahat sa pagdinig dahil may nais silang ipasang
panukala na may kauganayan sa buwis.
Ayaw umano
nilang magpasa ng buwis dahil galit ang tao sa buwis ngunit nais daw ng DOF na i-kolekta
agad ang mga ito ngunit hindi pa man daw sila nakakasingil ng wastong buwis sa
mga umiiral na buwis, tapos, parurusahan na nila ang mga relihiyosong
nagbabayad ng buwis
Dumalo
naman kayo rito. Ipakita naman ninyo na napakahalaga nitong hinihiling ninyong
dagdag buwis”, panawagan ni Fariñas.
Binigyang-diin
nina Speaker Alvarez at Fariñas ang kahalagahan ng presensya ng mga opisyal ng
gobyerno sa susunod na mga pagdinig hinggil sa dagdag buwis na binabalangkas sa
ilalim ng komite ni Cua.
Sinabihan
ng Speaker ang DOE Secretary na magpadala ng mga tao sa Kamara na kayang
sagutin yung mga tanong kasi sinasayang lamang umano ang oras ng lahat sa
Kapulunagn at tigilan muna yung position papers at hindi umano sila matatapos
at dapat daw ang Secretary na mag-attend sa miting sa susunod.
Pinagsabihan
ni Speaker Alvarez si Margaret Dacatimbang ng DOE legal service na iparating
ang mensahe ng House leadership kay DOE Secretary Alfonso Cusi na dumalo sa
susunod na pagdinig at sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas lalo na sa isyu
ng pagtaas ng buwis sa produktong petrolyo dahil nabigong sagutin ni Dacatimbang
ang tanong ni Surigao del Sur Rep Prospero A. Pichay tungkol sa halaga ng 40
percent cetane.
Hindi rin
dumalo si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay sa
pagdinig na dapat sana ay dadaluhan niya kaya’t pinagsabihan rin ni Alvarez si BIR
Deputy Commissioner Nestor Valeroso na iparating kay Dulay na isumite ang kanyang
mungkahi kung paano makokolekta ng buwis mula sa mga casinos.
Ang iba
pang opisyales na dapat sana ay dadalo sa pagdinig ay sina Finance Secretary
Carlos Dominguez III na ang kumatawan ay si Undersecretary Karl Chua;
Transportation Secretary Arthur Tugade, na ang kumatawan ay si Assistant
Secretary Ed Galvante; Information and Communications Secretary Atty. Rodolfo
Salalima; at Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.
Subali’t
sa kanilang kadahilanan ay hindi sila nakarating kaya’t nadismaya ang liderato
ng Kamara sa naturang pagdinig.