Ayon kay Zamboanga
Sibugay Rep Ann K. Hofer, chairperson ng House committee on higher and
technical education, isa umano ito sa legislative priority ng Pangulo na
binanggit nito sa kanyang mensahe nang lagdaan niya ang 2017 General
Appropriations Act (GAA).
Gayunpaman,
sinabi ni Hofer ang P8 bilyong pondo ay nakalaan lamang para sa isang taon at
kailangan pa ng Kongreso na magpasa ng batas para matiyak na magpapatuloy ang implementasyon
at pondohan ang programang libreng matrikula upang makinabang ang maraming
mag-aaral.
Iilan sa
mga panukalang may kahalintulad na layuning na magbibigay ng scholarship sa mga
nagtapos sa mga pampublikong paaralan; mga mag-aaral na nabibilang sa
marginalized sector; senior citizens at indigenous people; mga guro at mga
miyembro ng PNP at AFP at kanilang mga anak; Filipino overseas graduate
students; ang nasa highly technical o specialized courses tulad ng information
and communications technology, medicine, midwifery, nuclear science at
engineering ay tinalakay din.
Dahil
dito, binuo ng House committee on higher and technical education ang isang
technical working group (TWG) para pag-isahin at iayos ang 50 panukalang batas
na inihain ng mga mambabatas na nauukol sa educational assistance ng mga
mag-aaral.