Inaprubahan
ng Kamara ang House Bill No. 4100 sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang
“Campus Safety and Security Act” para itatag ang SSC hindi lamang sa mataas na
paaralan kundi pati na rin sa technical-vocational institution upang tiyakin
ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante at mga kawani ng paaralan.
Dadalhin
ng SSC ang mga programa, polisiya at mga gawain na magbibigay proteksyon sa
paaralan mula sa panloob at panlabas na banta o pananakot.
Ilan sa
mga pangunahing tungkulin at responsibilidad ng SSC ay ang mag- rekomenda sa paaralan,
universidad at kolehiyo na magsagawa ng seminars at pagsasanay tungkol sa krimen
at drug prevention at ang pakikipag-ugnayan sa National Police Commission
(NAPOLCOM) regional office, local police station, o sa Department of the Interior
and Local Government (DILG).
Mahigpit
din nitong ipatutupad ang pagbabawal sa pagdadala o pagbebenta ng mga inuming
nakalalasing, pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot sa loob ng paaralan at
magsasagawa rin ang SSC ng drug at alcohol abuse education program para sa mga
mag-aaral.
Ang
kasalukuyang boards of the higher education institutions (HEIs), ang mga
may-ari at administrador ng technical-vocational institutions ang siyang bubuo
ng SSC.
Pinagsanib
ng Kamara sa House Bill 4100 ang House Bill Nos. 572 at 2314 na iniakda nina Aurora
Rep. Bellaflor Angara-Castillo at Sorsogon Rep. Evelina Escudero.