Ito ang paniniwala ni Quezon City Rep. Jose Christopher Belmonte, Vice
Chairman ng Committee on Housing and Urban Development sa pagsisimula ng
pagdinig sa House Bill 228 na iniakda ni Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Eric
D. Singson, HB 1724 ni Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon, at HB 2125 ni Manila
Rep. Rosenda Ann Ocampo, kung saan ang mga ito ay masusing iwinasto upang
makapaglagay ng mekanismo para ma i- convert ang mga lupang pag—aari ng pamahalaan bilang
socialized housing.
Samantala, ang HB 2807 naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo ay
humihingi ng mandato na sampung porsyento (10%) sa lupa ng pamahalaan ay ibukod
at gawing socialized housing projects sa mga ibebenta, isasalin o kaya ay
itatalaga para sa development purposes.
Sinabi ni Belmonte na kailangan kumilos ang pamahalaan para mapunuan ang
kakulangan sa pabahay dahil umaabot na sa 1.4 milyon ang informal-settler
families (ISFs) na nakakalat sa ibat-ibang panig ng bansa. Sa nabanggit na
numero, 500,000 na ISFs ay matatagpuan sa Metro Manila kung saan marami sa
kanila ay nakatira sa mga mapanganib na lugar.
Idinagdag pa ng mambabatas na batay na rin sa ulat ng Housing and Urban
Development Coordinating Council (HUDCC) ay aabot sa 5.6 million units na
pabahay ang kakailanganin hanggang sa matapos ang taong 2016. Sang-ayon kina
Singson, Ocampo at Biazon, layon ng kanilang mga panukala na gawing abot kaya
ng mga kawaning nagmumula sa pribado at pampublikong tanggapan na may mababang
sahod ang proyektong pabahay, kasama na rito ang mga informal settlers.
Ayon namna kay Singson, ang matinding suliranin ng bansa sa pabahay ay
pinalala pa umano ng walang humpay na pag squat ng mga tao sa mga kalunsuran
ang nagtulak sa sa kanila upang tugunan ang mga problemang ito.
Ang hangarin ng mga mambabatas ay suportado ng ibat-ibang sangay ng
pamahalaan pati na rin ng mga non-government organizations (NGOs) tulad ng
National Economic Development Authority (NEDA), Presidential Anti-Poverty
Commission (NAPC), Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB),
Department of the Interior and Local Government (DILG), Home Guaranty
Corporation (HGC), National Mapping and Resource Information Authority
(NAMRIA), at ng Organization of Socialized Housing Developers of the
Philippines (OSHDP).