Iprenisenta na ng House committee on public information na pinamunuan ni ACT Teachers partylist Rep Antonio Tinio ang kanilang draft substitute bill patungkol sa Freedom of Information (FOI), isang consolidation ng 33 mga panukala, isang resolution at isang privilege speech, na may layuning palakasin ang karapatan ng mga mamamayan sa impormasyon o people’s right to information.
Pinagsikapan ng technical working
group (TWG) na naturang Komite sa loob ng dalawang buwang pag-aaral upang mabuo
ang nabanggit na panukala na kanilang iprenisenta sa isang pagdinig bago
magkaroon ng holiday break ang Kongreso para sa mga comment at discussion
hinggil sa mga inilatag na probisyon sa panukala.
Sinabi ni Tinio na kinosidera rin
ng TWG ang Executive Order No. 2 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte
noong ika-23 ng Hulyo na nag-oope3rationalize sa executive branch ng
constitutional rights ng mga mamamayan sa impormaswyon at sa mga polisiya ng
estado para sa ganap na disclosure at transparency sa public service at
paggagawad ng guidelines nito.
Sinabi naman ni Bukidnon Rep.
Manuel Zubiri na sa sandaling ang FOI bill ay maging ganap na na batas, ito ay
maging epektibong pananggalang laban sa kurapsiyon sapagkat ang public
disclosure sa lahat ng mga government transaction hinggil sa public interest ay
maging mandatory na na sasaklawin ang lahat ng public officials at employees.