Monday, January 30, 2017

* Dagdag sahod ng pulis, sundalo tiniyak

Siniguro ng MalacaƱang na nakapaloob na sa susunod na sweldo ng mga pulis at sundalo ang dagdag sa kanilang sahod at allowance.

Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diok­no sa media briefing, kasama sa 2017 budget ang pondo para sa dagdag sweldo ng mga sundalo at pulis na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi naman binanggit ng DBM chief ang halaga ng umento sa mga sundalo at pulis.

Magugunita na nag-ikot sa mga kampo ng mi­litar at pulis noong nakaraang taon si Pa­ngulong Duterte at ipinangako ang dagdag-sweldo sa mga ito.

Wika ni Diokno, ma­dodoble ang sweldo ng mga pulis at sundalo sa 2018 gaya ng pangako ni Pangulong Duterte.