Sinabi
ni Kabayan partylist Rep Harry Roque, isa sa mga miyembro ng nabanggit na komite,
na isa mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay kandidato pa sa
pagka-pangulo ng bansa ang naturang programa, ang universal health care sa mga mamamayan,
kaya marapat lamang na bigyang-prayoridad ito ng DOH.
Ayon
sa mambabatas, mayroong umanong sapat na pondo para sa universal health care na nagmumula
sa badyet ng DOH, hango sa Philippine Amusement and Gaming Corporation
(PAGCOR) at sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nang ipresenta ni DOH
Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial ang mga proyekto,
programa at legislative priories ng ahensiya sa komite na pinamumunuan ni
Quezon Rep Angelina Tan.
Sinabi
naman ni Ubial sa Komite na may programang PhilHealth na mula pa noong taong 2000
ngunit ayon naman kay Roque, ito ay hindi universal health care dahil
nagbibigay lamang ito sa benepisyaryo ng P27 sa bawat P100 na gastos sa
pag-gagamot sa pasyente kaya kulang pa rin ito at abunado pa ang pasyente na mang-gagaling sa kanyang sariling bulsa.
Kung
gagawing universal health care umano ang PhilHealth, kakailanganin pa rin ng
kaukulang batas dahil ang pondo nito ay mang-gagaling pa sa buwis.
Samantala,
siniguro naman ni Tan kay Roque na tatalakayin ng komite ng anumang panukalang
batas ukol dito sa universal health care.