Si House
appropriations committee chair at Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles ang naunang
nagbigay ng sponsorship at nagpatuloy sa pagdepensa sa nabanggit na panukalang budget.
Sinabi ni
Nograles na ang two-week marathon deliberations na nag-umpisa kanina hanggang
sa susunod na Biyernes ay masusi nilang talakayin hanggang ito at maaprubahan ng
tuluyan sa third and final reading sa susunod na lingo at tuluyang i-transmit
sa Senado.
Sa unang
araw ng pagtalakay kaninang umaaga ng pambansang budget, inumpisahan ito sa
pagbigay ng General Prinsiples and Provisions at matapos nito, tumanggap kaagad si Nograles ng
interpellation galing kina Minority Floor Leader Danilo Suarez at iba pang mga
mambabatas at tuluyang isinalang naman ang
budget ng Department of Finance at ang mga ahensya na nakakabit dito.
Kampante
si House Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo FariƱas na
mararatipikahan kaagad ang naturang budget bago ang adjournment ng sesyon sa
Desiyembre 14.
Bahagi ng
budget ang pagtataas ng conditional cash transfer program na umaabot na sa
P78.7 bilyon na paghahati-hatian ng 4.62 milyong pamilya at dagdag na P23.4
bilyong rice allowance.