Ayon sa kanya, nakakaapekto umano sa
lahat nang sector ng ating lipunan ang alcoholism at drug abuse, maging mayaman
man o mahirap at mapa-anumang ethnicity sa ating bansa.
Dahil ditto, inihain ni Catamco ang
HB01782 na siyang maglalaan ng pondo para sa naturang mga regional rehabilitation
and treatment center na itatatag ng Department of Health (DOH), sa pakikipag- tulungan
sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa panukala ni Catamco, ang ponding kakailanganin
para sa pagtatatag, maintenance at pagpapatakbo ng mga naturang Drug Abuse and
Alcoholism Rehabilitation and Treatment Centers (DAARTC) ay isasali na sa
General Appropriations Act bilang bahagi ng taunang budget ng DOH.
Bilang panimula sakali’t ang panukala
ni Catamco ay maipasa bilang isang batas, maunang itatag ang DAARTC sa lungsoid
ng Kidapawan, North Cotabato kalakip ang kakailanganing ponsdo na susuporta sa
mga probisyon nito.