Sa kanyang liham na ipinadala noong
August 10, 2016 kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, hiniling ni Eastern
Samar Representative Ben Evardone na magtatag ang TESDA at magsasagawa ng isang
libreng retraining program para sa mga laid off at stranded na OFWs sa Middle
East lalu na yaong mga nagtrabaho sa Saudi Oger at Bin Ladin Companies, kasama
na ang mga na-repatriate na pauwi sa ating bansa.
Sinabi ni Evardone na karamihan sa
mga OFW ay nagsakripisyo ng kanilang mga lakas, oras at resources sa pag-asa na
maseguro ang matatag na economic state ng kanilang pamilya at masaganang buhay
para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Nauna rito, naghain si Evardone ng
isang resolusyon, ang HR00123, na nananawagan para sa isang imbestigasyon
hinggil sa kasalukuyang estado at kondisyon ng mga OFW sa Middle East lalu na
ang mga na-stranded at naapektuhan ng oil price collapse.