Ito ang mariing
sinabi ni Laguna Rep Sol
Aragones nang kanyang udyokin ang kanyang mga kasamahang mambabatas sa Kongreso
na kagyat na nilang aktuhan ang pagpasa ng panukalang Freedom of Information (FOI)
na matagal nang nakabinbin sa Lehislatura.
Marapat
lamang umano na bigyang pansin ng mfa mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte
nang hikayatin nito ang Kongreso na ipasa na ang proposed FOI measures na
nakahain sa ating Lehislatura.
Ayon kay
Aragones, ipinahayag umano ni Pangulong Duterte na siya ay para sa bukas na governance
at tinupad na niya ang kanyang campaign promise sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
Executive Order No. 2, series of 2016 na nagpapatupad ng mga probisyon ng FOI
law sa Executive branch.
Nasa
Kongreso na ang bola upang magpasa ng isang FOI law upang ang karapatan ng mga
mamamayan sa larangan ng impormasyon kanila nang ma-enjoy.
Matatandaang naghain si Aragones ng HB01855 o ang
Freedom of Information Act na hango na rin sa kanyang naunang inihain na
panukala noong nakaraang 16th Congress ngunit hindi pumasa.