Ito ay bilang reaksiyon ng solon sa pahayag ni Tourism Secretary Wanda
Corazon Teo na inaprubahan na umano ni Pangulong Rodrigo Durterte ang pagho-host
ng susunod na Ms Universe Pageant dito sa ating bansa.
Sinabi ng mambabatas na ang okasyon ay isang oportunidad para sa mga
Pilipino nguni ito ay isang ring hamon para sa bansa.
Oportunidad sapagkat dito na umano natin maiso-showcase ang ating bansang
sa buong mundo dahil mahigit sa 90 mga kandidata ang lalahok sa pageant na ang ibig
sabihin ay mahigit 90 ring mga bansa ang magmamasid sa ating bansa.
Segurado, ayon pa kay Villafuerte, na ipo-promote ng Pilipinas ang
naturang event at ito umano ay magiging isang malaking boost o tulak sa ating
turismo.
Ngunit marami pang ayusin ang pamahalaan kung ang pag-uusapan ay ang
torismo sapagkat importanteng maisaayos at mapaigting muna ang ating tourism
infrastructure kagaya ng ating airport services.
Marapat lamang umanong mabigyan ng prayoridad at atensiyon ang pag-improve
ng mga pasilidad at serbisyo sa lahat ng mga airport sa bansa.
Mabuti na lamang umano na sa pagsapit nitong panibagong administrasyon,
natunghayan natin ang maigting na crackdown sa mga insedente ng tanim-bala sa
ating mga airport.
Nangako ang mambabatas ng Camarines Sur na makikipagtulungan ito kung
hihilingin ang kanyang suporta ng mga lider ng Senado at Kamara de
Representantes kung ang pageant ay may pangangailangan ng additional funding.
Matatandaang ang pinaka-huling pag-host nga bansa nga Miss Universe
Pageant ay noong taong 1994 pa at nararapat lamang mabigyan ng pagkakataon ang
reigning Miss Universe, Pia Wurtzbach, makapag-korona ng susunod na Miss
Universe, dagdag pa ni Villafuerte.