Monday, July 04, 2016

* JobStart Philippines Program, naging Republic Act 10869 na

Pinapurihan ni re-elected Davao City Rep Karlo Alexei Nograles ang pagkakapasa bilang ganap na batas ng kanyang panukalang isinulong sa Kongreso na magpapatatag ng pambansang implementasyon ng JobStart Philippines Program na tutulong sa mga kabataang unemployed sa paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kanilang mga kakayahan ay kaalaman na nakamtan sa pamamagitan ng formal education at technical training.

Sinabi ni Nograles na ang RA10869 o ang JobStart Philippines Act ay may layuning paiiksiin ang oras sa pag-aaral ng mga kabataan para sa tinatawag na work transition at madagdagan ang kanilang tsansa at makasama sila sa productive employment.

Idinagdag pa ni Nograles na sa partisipasyon ng pribadong sector at iba pang mga stakeholder, ang programa umano ay makakatulong sa pag-develop ng life skills ng mga kabataan pati na rin yaong mga values ng professionalism at work appreciation at makapaggagawad sa mga trainee ng isang condusive at safe work environment o magiging venue kung saan maia-apply nila ang mga kaukulang theory at code of ethics.

Ang isa pang layunin umano ng programa ay ang pagpapayabong pa ng delivery ng employment facilitation services ng Public Employment Service Office o kilala sa katawagang PESO.

Ang PESO ay isang community-based multi-employment service facility na naka-link sa mga regional office ng DOLE para sa koordinasyon at technical supervision at sa DOLE central office para mag-constitute ng isang national employment service network.