Sinabi ni
Zarate na sinalubong nila ang naging desisyon ni incoming President Duterte na
kanyang sinusuportahan ang pagdagdag ng Social Security System (SSS) pension at
kanyang ikinumpara itong aksiyon ni Duterte sa malamig na puso ng administrasyong
Aquino na hindi man lamang umano nakinig sa daing ng mga senior citizen.
Sa parte
naman ni Colmenares na siyang namuno sa pagsulong ng P2,000 pension increase,
hinimok nito si Duterte na ganap nitong supportahan ang override resolution na
kanilang balak na ihahain bago magtapos ang 16th Congress sa adjournment
nito sa susunod na lingo.
Umabot na
sa 120 na mga miyembro ng House of Representatives ang lumagda na sa resolution
na may layuning i-overturn ang veto ni Pangulong Aquino sa inaprubahang P2,000
pension hike.