Ang
HB06450 na tinalakay ng Committee on Energy noong 16th Congress ay
balak ng mga mambabatas, sa pangunguna ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali,
na ihain muli upang matalakay muli sa nabanggit na Committee.
Nakapaloob
sa panukala na ipagbabawal ang pagtanim ng anumang mga punong kahoy at pagsasagawa
ng kontruksiyon ng anumang estruktura sa ilalaim o sa loob ng right-of-way
clearance ng lahat na mga power transmission lines at papatawan ng kaakibat na
kaparusan para sa sinumang lalabag sa batas.
Sinabi ni Umali na ang kuryente ay ang lifeblood ng ekonomiya ng bansa at ang anumang disruption dito ay magiging sanhi ng malaking kalugian sa revenue at ito ay magdudulot lamang ng masamang epekto sa ekonomiya ng bansa.
Inaasahang
isa ito sa mga panukalang batas na mauunang talakayin sa Committee sa darating
na 17th Congress.