Thursday, June 16, 2016

* Pagpapalawig ng prescriptive period sa paghain ng mga graft cases, maging batas na

Ang panukalang batas na magpapalawig ng prescriptive period sa paghahain ng mga graft cases laban sa mga lumalabag ditto ay nakatakdang nang lalagdaan o naghihintay na lamang sa pagkaka-apruba at lagda ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ay nangyari matapos aprubahan ng Senado at Kamara de Representantes ang pinal na bersiyon ng proposal bago nagkaroon ng congressional sine die adjournment noong ika-6 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ang panukala ay mag-aamiyenda sa RA03019 na kilala sa katawagang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, as amended, at gawing dalawampung taon o 20 years na ang prescriptive period sa pag-file ng mga graft cases laban sa mga violators nito, sa halip na 15 years lamang noon.

Sinabi ni House Deptuty Speaker Giorgidi Aggabao, isa sa mga may-akda ng panukala, na ang nasabing pag-iextend ng prescriptive period ay upang maseguro na ang mga lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practice Act ay hindi na maka-eskapo sa liability dahilan lamang sa technicality ng kasalukuyang 15-year prescription period.